Iisa ang Santiagong Apostol?

Source: Tape/Sulat na Ikinakalat ng INC na may pamagat na “ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY GINOONG SORIANO AT SA KANIYANG “ANG DATING DAAN”

Halos manggalaiti si G. SORIANO sa paninindigang iisa raw ang Santiago na Apostol sa Biblia? Tinutuligsa niya ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at sinabing kawawa raw ang mga kaanib nito dahil sa Iglesia ni Cristo raw, kahit patay na ay nakapagpapasiya pa. Ipinahintulot na naman ng Diyos sa napakalaking pagkakamali si G. SORIANO dahil 2 ang Santiagong Apostol sa Biblia. Kayo na ang bumasa sa Mateo 10:2-4 at mapatutunayan ninyo kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.
Para huwag tayong maligaw sa pandarayang ito ng INC dapat malaman muna natin kung saan nanggaling ang pahayag ni Bro. Eli tungkol sa isang Santiagong apostol. Sinabi ito ni Bro. Eli nang patay na ang isang Santiagong apostol na pinatay ni Herodes

Gawa 12:1 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia. (ADB)

Gawa 12:2 At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan. (ADB)

Nang sinabi ni Bro. Eli na iisa ang Santiagong apostol ito ay noong nagpasya si Santiago sa pulong ng mga apostol sa Jerusalem upang resolbahin ang usapin ukol sa mga Gentil na nagbabalik loob na mababasa natin sa Gawa 15:1-21

Gawa 15:13 At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako: (ADB)
Gawa 15:14 Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan. (ADB)
Gawa 15:15 At dito’y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat, (ADB)
Gawa 15:16 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo: (ADB)
Gawa 15:17 Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan, (ADB)
Gawa 15:18 Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una. (ADB)
Gawa 15:19 Dahil dito’y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios; (ADB)
Gawa 15:20 Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila’y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo. (ADB)

Kaya maliwanag diyan na iisa na lang ang Santiagong apostol dyan na nagpasya dahil sa Gawa 12:2 ay patay na ang isa pang Santiagong apostol.

Para matutulan lang si Bro. Eli ng mga mandarayang ministro ng INC palilitawin nila na iisa lang ang alam ni Bro. Eli na Santiagong apostol sa Biblia. Ang sinasabi ni Bro. Eli iisa na lang ang Santiagong apostol (sapagkat patay na ang isa pang Santiagong apostol) nang maganap ang pulong ng mga apostol sa Jerusalem kung saan si Santiago ang nagpasya para resolbahin ang isang usapin.  Maliwanag naman na ang pinag-uusapan ay ang pagpapasya ni Santiago sa Gawa 15:13,19-21 kaya nasabi ni Bro. Eli na iisa ang Santiagong apostol sa panahong yan.

Para huwag tayong madaya ng mga ministro ng INC lagi nating i-consider ang time element dahil ang mga ito walang sense of time kaya hindi malayong maghapunan nga ng umaga.

Published in:  on August 6, 2007 at 1:51 pm Leave a Comment

Introduction: Masamang Alegasyon sa Ang Dating Daan

“Nang magkagayo’y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, Na nilakaran ng mga masamang tao?” (Job 22:1,15)

Ito ang alegasyon ng kaaway ng Dios na si Eliphaz na pinararatangang “ang dating daan”, na pinagpapatuluyan ng matuwid na si Job, ay nilalakaran ng masasamang tao. Para na ring pinaratangan ni Eliphaz ang Dios na pinalalakad ang mga tao sa daang nilalakaran ng masasama dahil ang utos ng Dios sa Jeremias 6:16 na lumakad ang mga tao doon. Kaya nga sa bandang huli nag-alab ang galit ng Dios kay Eliphaz dahil hindi siya nagsalita ng matuwid para sa Dios gaya ng mababasa sa Job 42:7

“At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job. “

At pati sa panahon ng ating Panginoong Jesucristo ay mayroon ding nagpapasama sa “Daan”, na iniuutos ng Dios na ating lakaran, gaya ni Elimas na mababasa natin sa Gawa 13:8-10,

“Datapuwa’t si Elimas na manggagaway (sapagka’t ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul. Datapuwa’t si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata, At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?”

At maging sa panahon nating ito may mga lumitaw na kadiwa ni Eliphaz at Elimas na nagpaparatang sa “Ang Dating Daan” ng masasamang alegasyon gaya ng Ang Tamang Daan ng INC at iba’t ibang kaibayong relihiyon ng Ang Dating Daan na nagsisikap na ihiwalay sa pananampalataya ang mga tao para umanib sa samahang ito.

Sa kanilang pagpapasama sa “Ang Dating Daan” gumagamit sila mga audio/video tape na madayang pinagpuputul-putol at pinagdugtung-dugtong at pinalilitaw/pinaaangkin na ito ang eksaktong pahayag ng ADD para mapasama ito. Kaya nga may babala ang mga apostol ukol sa ganitong masamang gawain na pagpapaangkin sa hindi naman sinabi o buhat sa kanila para kilusin ang mga sumasampalataya sa kanila upang magduda.

2 Tes. 2:2 Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon;

Kaya bago natin paniwalaan ang mga pinararatang na ito sa ADD, suriin at tiyakin muna natin kung talaga bang ganito ang eksaktong pahayag ng ADD o isa lamang itong pandaraya at panliligaw.

Kontra: Naging masama ba si Cristo?

Ang artikulong ito ay sasagutin ang tinatawag ng “Ang Tamang Daan” ng INC na kontradiksyon #6, #23, #26  na may kinalaman sa pahayag ni Bro. Eli na “si Cristo nang nakabayubay sa krus ay di matuwid”.

KONTRADIKSIYON # 6

Eli Soriano: Ang sabi ni Jesus, sa 8:56 ng Juan: “At sinabi sa kanila ni Jesus, sino makakasumbat sa inyo sa akin tungkol sa kasalanan? Meron bang makakasumbat sa inyo? Wala kahit isang sumagot na may makakasumbat sa Kanya sa kasalanan”. At pinatunayan ito ni San Pedro sa Unang Pedro kapitulo 2, ganito ating mababasa: “Na Siya’y hindi nagkasala o kinasumpungan man ng daya ang Kanyang bibig”. De absoluto si Cristo… absolutamente, walang kasalanang ginawa kahit ano.

VERSUS:

Eli Soriano: Ano pangako ng Diyos sa matutuwid? Sa anomang paraan (nanggagalaiti) hindi kita pababayaan. Eh si Cristo, bakit pinabayaan? Kasi nung oras na ‘yon, nu’ng oras na ‘yon hindi si Cristo matuwid. Si Cristo nu’ng oras na ‘yon masama.

KONTRADIKSIYON # 23

Si Cristo ba’y matuwid hanggang sa kamatayan o hindi?

Eli Soriano: Ayun. Kaya ka Niya pinabayaan, dahil hindi ka matuwid. Dahil ang garantiya Niya, ‘yung matuwid, hindi Niya pababayaan. Therefore du’n magi-gauge natin na noong oras na ‘yon nagsasalita si Cristo, hindi para sa Kaniyang sarili, dahil hindi naman Siya hindi matuwid e. Matuwid nga si Cristo e hanggang sa kamatayan, matuwid Siya e.

VERSUS:

Eli Soriano: Ano pangako ng Diyos sa matutuwid? Sa anomang paraan hindi kita pababayaan. Eh si Cristo, bakit pinabayaan? Kasi nung oras na ‘yon, nu’ng oras na ‘yon hindi si Cristo matuwid. Si Cristo nu’ng oras na ‘yon masama.

KONTRADIKSIYON # 26

Noong nakabayubay si Cristo sa krus, masama ba siya no’n o hindi?

Eli Soriano: Ano pangako ng Diyos sa matutuwid? Sa anomang paraan hindi kita pababayaan. Eh si Cristo, bakit pinabayaan? Kasi nung oras na ‘yon, nu’ng oras na ‘yon hindi si Cristo matuwid. Si Cristo nu’ng oras na ‘yon masama.

VERSUS:

Danny: [Nagbabasa siya ng text message]- Si Cristo ba naging masama at pinabayaan ba Siya ng Diyos?

Eli Soriano: Hindi Siya naging masama. Kaya lang itinuring Siyang masama at makasalanan nu’ng Siya’y nasa krus dahil tinutubos Niya noon ang kasalanan ng tao. Ang lahat ng kasalanan ng tao, iniatang sa Kanya, kaya inari Siyang masama.

Resolve:

Q: Si Cristo ba’y matuwid hanggang sa kamatayan o hindi?

Eli Soriano: Ayun. Kaya ka Niya pinabayaan, dahil hindi ka matuwid. Dahil ang garantiya Niya, ‘yung matuwid, hindi Niya pababayaan. Therefore du’n magi-gauge natin na noong oras na ‘yon nagsasalita si Cristo, hindi para sa Kaniyang sarili, dahil hindi naman Siya hindi matuwid e. Matuwid nga si Cristo e hanggang sa kamatayan, matuwid Siya e.

A: Fil. 2:8 At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Q: Naging masama ba si Cristo? Noong nakabayubay si Cristo sa krus, masama ba siya no’n o hindi?

Eli Soriano: Hindi Siya naging masama. Kaya lang itinuring Siyang masama at makasalanan nu’ng Siya’y nasa krus dahil tinutubos Niya noon ang kasalanan ng tao. Ang lahat ng kasalanan ng tao, iniatang sa Kanya, kaya inari Siyang masama.

Batayan:

2 Corinto 5:21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios. (ADB)

2 Corinto 5:21 Hindi nagkasala si Cristo ngunit dahil sa atin, siya’y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Dios sa pamamagitan niya. (MB)

Sa anong tiempo siya itinuring/inaring/ibinilang na masama/di-matuwid ng Dios?

A: 1. Nang siya’y nasa aktong tutubusin ang kasalanan ng mga tao sa krus na kung saan ang mga kasalanan ng mga tao ay dinala at ipinasan sa kanyang katawan.

Isaias 53:4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. (ADB)

Isaias 53:5 Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. (ADB)

Isaias 53:6 Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. (ADB)

1 Pedro 2:24 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.

Pansinin: Ang katawang tao Niya ang makasalanan/naging masama nang oras na yaon at hindi ang pagkaDios niya na nasa loob ng Kanyang katawang tao (Col 2:9)

2. Nang sinabi niya sa Dios na:

Mar 15:34 At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?

Anong mga katunayan sa Biblia na kaya pinabayaan ng Dios na maparusahan at masaktan si Cristo nang siya’y nakapako sa krus dahil nang oras na yaon ay hindi siya matuwid. (note: ang tinutukoy na hindi matuwid kay Cristo ay ang kanyang katawang tao na daladala ang kasalanan ng sanlibutan)

Eli Soriano: Ano pangako ng Diyos sa matutuwid? Sa anomang paraan hindi kita pababayaan. Eh si Cristo, bakit pinabayaan? Kasi nung oras na ‘yon, nu’ng oras na ‘yon hindi si Cristo matuwid. Si Cristo nu’ng oras na ‘yon masama.

1. May pangako ang Dios na hindi niya kailanman pababayaan ang Kanyang matuwid na anak

Hebreo 13:5 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka’t siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. (ADB)

Awit 37:25 Ako’y naging bata, at ngayo’y matanda; Gayon ma’y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, Ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. (ADB) Awit 37:28 Sapagka’t iniibig ng Panginoon ang kahatulan, At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; Sila’y iniingatan magpakailan man; Nguni’t ang lahi ng masama ay mahihiwalay.

2. Hindi dapat parusahan ang matuwid

Kawikaan 17:26 Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, Ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran. (ADB)

Summary/Conclusion:

1. Si Cristo ay matuwid hanggang sa kanyang kamatayan.  Walang nasumpungang anomang kasalanan sa kanya at wala siyang anomang ginawang kasalanan (Fil 2:8; Jn 8:46; 1 Ped 2:22; Heb 4:15;7:26).

2. Siya ay ibinilang ng Dios na makasalanan/di-matuwid nang nasa aktong tutubusin na niya at ipinasan sa kanyang katawan ang kasalanan ng sanlibutan kaya siya ay pinabayaan at pinarusahan sa krus. (2 Cor 5:21; Isa 53:4-6).

3. Ang itinuring na makasalanan sa Kanya ang ang Kanyang katawang tao dahil dinala niya sa kanyang katawan ang mga kasalanan ng sanlibutan (1 Ped. 2:24) at hindi ang pagkaDios na nasa loob ng kanyang katawang tao (Col. 2:9)

Introduction: Kontradiksyon Daw ng ADD

Panimulang Salita

Kung papaanong ang Biblia ay iginigiba at pinararatangang maraming kontradiksyon ng mga masasamang ayaw maniwala dito, ganito rin ang ginagawa ng mga kaibayo ng ADD. Pinalilitaw nila na maraming kontradiksyong pahayag at turo ang ADD ngunit ang mga kontradiksyong sinasabi nila ay kontradiksyon lang sa kanila ngunit pawang malilinaw at walang kontradiksyon sa mga nag-uunawa gaya ng mababasa natin sa Kawikaan 8:8-9

“Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; Walang bagay na liko o suwail sa kanila. Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, At matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. “

Kanino ba ipinagkaloob ang pagkaunawa?

Marcos 4:11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa’t sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:

Daniel 12:10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni’t ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni’t silang pantas ay mangakakaunawa.

Dahil sila ay nasa labas malabong maunawa nila ang mga pahayag na ito ng ADD dahil sa loob ng samahang sa Dios ibinibigay ang pagkaunawa. Kaya hindi natin maaasahan na maunawa ng mga nasa labas ang mga pahayag ng ADD lalo na kung ang pahayag ay galing sa ninakaw na tape na exclusive lamang sa mga kaanib sa ADD.

Duality in a Prophecy

In one broadcast of the INC program “Ang Tamang Daan”, they showed there the two (2) interpetation of Pastor Soriano about the “ibong mandaragit” in the book of Isiah. Correct me if I’m wrong, Pastor Soriano that the realization of the “ibong mandaragit” is our Lord Jesus Christ, but they also showed a clip where he(Soriano) told that it “Haring Ciro” (I hope my spelling is correct). I also saw an explanation of Pastor Soriano about the “contradiction” saying that there was “duality” in the realization of the prophecy.

My questions would be:

1. What is the true realization of the prophecy in the book of Isiah?
2. Is there really a biblical proof on “duality” of realization of a prophecy? Meaning, could there be two or more instances/persons/place/event that will manifest/realiza a single prophecy?
3. If there is “duality” of realization of a prophecy, could you site biblical examples other than that of the “ibong mandaragit”?

I hope you could answer my qustions just like how Pator Soriano answered my previous questions biblically.- Elmer

Reply:

1. What is the true realization of the prophecy in the book of Isiah?

Ang lubos na kinatuparan ng hula sa Isaias 46:11 ay ang ating Panginoong Jesucristo.Katunayan:

Isaias 46:11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin. (ADB)
Isaias 46:12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran: (ADB)
Isaias 46:13 Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian. (ADB)

1. Ang Ibon Mandaragit may Pakpak

Si Cristo inihalintulad sa inahing manok na may pakpak kung saan ang kanyang pakpak ay ginagamit niya sa pagtipon ng kanyang mga anak/lingkod. Ito ang gawain ng ibong mandaragit kung saan dinadagit o tinitipon nito ang kanyang mga anak/lingkod para ilapit sa katwiran.

Mat 23:37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!

2. Ang Ibong Mandaragit galing sa silanganan

Si Cristo mula sa silanganan

Mat 2:1 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,

Mat 2:2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka’t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y sambahin.

3. Magaganap ang pagliligtas na yan sa Israel (Isa 46:13)

Si Cristo ay pangunahing isinugo para tipunin ang mga naliligaw na tupa sa Israel (Ito ang gawain ng ibong mandaragit)

Mat 15:24 Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.

Ngunit natupad muna ito kay Haring Ciro.

Katunayan:

1. Si Ciro pinahiran o inatasan/isinugo ng Dios para tipunin din ang mga anak ni Israel

2. Si Ciro galing sa malayong lupain (sa Persia na nasa silangan ng Israel)

3. Sa pamamagitan ni Ciro natipon ang mga anak ni Israel na galing sa pagkabihag at sa pamamagitan niya naitayong muli ang templo ng Dios

Isaias 45:1 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan; (ADB)
Isaias 45:3 At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga’y ang Dios ng Israel. (ADB)
Isaias 45:4 Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako. (ADB)
Isaias 45:13 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (ADB)

2 Cronica 36:23 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia: Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya. (ADB)

2. Is there really a biblical proof on “duality” of realization of a prophecy? Meaning,could there be two or more instances/persons/place/event that will manifest/realiza a single prophecy?

Ito ang sinasabi ng Biblia:

Ecc 3:15 Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.

Ecc 3:15 That which is now already has been, and that which is to be already has been; and God seeks that which has passed by [so that history repeats itself ]. (Amplified Bible)

Ecclesiastes 3:15 Whatever happens or can happen has already happened before. God makes the same thing happen again and again (TEV)

3. If there is “duality” of realization of a prophecy, could you site biblical examples other than that of the “ibong mandaragit”?

Here is an example:

A. Sino Ang Magtatayo ng bahay ng Panginoon

1. Si Solomon

1Ki 8:17 Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.
1Ki 8:18 Nguni’t sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;
1Ki 8:19 Gayon ma’y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.

Katuparan:
1Ki 8:20 At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka’t ako’y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

1Ch 28:6 At kaniyang sinabi sa akin, Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka’t aking pinili siya upang maging anak ko, at ako’y magiging kaniyang ama.

2. Si Cristo

1Ki 8:19 Gayon ma’y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.

Katunayang si Cristo talaga ang ultimate na magtatayo ng tunay na templo o bahay ng Dios:

Zec 6:12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala’y Sanga: at siya’y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

Sino itong Sangang ito na magtatayo ng templo ng Panginoon?

Isa 11:1 At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:

Apocalipsis 22:16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo’y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. (ADB)

Anong katunayang nagtayo nga si Cristo ng tunay na bahay ng Dios?

Mat 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Ano ba ang isang katawagan o simboliko sa iglesia na itinayo ni Cristo?

1Ti 3:15 Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at saligan ng katotohanan.

Kaya ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon ay unang natupad kay Haring Solomon at ang pagtatayo ng tunay na bahay ng Panginoon na siyang iglesia ay natupad sa ating Panginoong Jesucristo.

Kaya sa mga halimbawang yan napatunayan natin na may duality ang prophecy ng Dios. Kaya kahit ang isang propesiya ay natupad noon, maaari ring matupad ito sa hinaharap sa ibang tao o sa ibang pagkakataon gaya ng sinasabi sa:

Ecc 3:15 Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.

Published in:  on July 26, 2007 at 1:33 am Leave a Comment

Spoof: Ang Daan ni Cain (Itanong Mo Kay SEr Anio!)

Sa wakas, ginaya na rin ng Iglesia ni Cain (INC) ang Itanong Mo Kay Soriano segment ng ADD at lumabas na rin si sER Anio para sumagot ng mga live callers.

Opening Billboard:

Sa gitna ng magulo at masalimuot na sanlibutan, lumitaw ang isang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw na taglay ang tanda ni Cain na nagsasabi:

“Mga minamahal: Huwag kayong magsipaniwala sa mga paring Katoliko at pastor Protestante kundi itakwil ninyo sila pati ang Iglesia Katolika at ang iba’t ibang Iglesia Protestante sapagkat sila’y hindi sa Dios kundi kay Satanas o sa demonyo”
- 1 Juan 4:1
(Ang Biblia ni Cain)
Ganito ang sabi ni Cain: Magsitayo kayo sa pananalangin at magsitingin kayo sa KaDiliman, at ipagtanong ninyo ang aking mga landas kay Judas kung saan nandoon ang aking daan (Ang Daan ni Cain), at magsilakad kayo roon at inyong masusumpungan ang anghel na siyang huling sugo ko sa huling araw ng pista…”
- Jeremias 6:16
(Ang Biblia ni Cain)
“Pag nakasumpong ka ng kaanib sa INC, huwag ka ng magpatumpik-tumpik, huwag ka ng magpadelay-delay, huwag ka ng magpabukas-bukas, ‘pag nakasumpong ka ng mainit na ulo na INC  takbo na kaagad! Basa… Ka Bulaanan

“Merong Cristiano na naniniwalang si Cristo ay Dios,pagkatapos they will doubt the….”

“Magmula sa KaDiliman…Saan ho magmumula? sa Kadiliman. Hanggan saan makakarating? Sa far east (Pilipinas)! Paano makakarating patay na ang mga apostol? Sinulat. Heto ngayon…
Meron ba tayong pag-asa o wala? Eri nga oh. Kailangan lang ang gagawin mo, ang sasabihin mo, ang gagastusin (sa abuloy ng Huwebes, Sta. Cena sa umaga, tinitipon construction, at iba pa )mo…kailangan…Nakasulat (sa Biblia ni Cain, Dictionary, World History, etc.). Amen?

Ka Bulaanan: Magandang umaga po sa mga ginigiliw naming tagasubaybay. Sumasainyo po ang isa pang pagtatanghal ng programang Ang Daan ni Cain.

Ka Pulpol: Di ba Ka Bulaanan alas 9:00 na ng gabi? Bakit magandang umaga pa rin ang bati n’yo sa ating mga tagasubaybay?

Ka Bulaanan: Eh, ano naman ang sama kung batiin ko sila ng “Magandang umaga” sa gabi? Halimbawa kahit magsuot ka ng pormal at sinabing morning dress sa gabi ay walang mali do’n.

Ka Pulpol: Kaya pala nakasuot kayo ngayong gabi ng morning dress.

Ka Bulaanan: Bagay ba sa akin?

Ka R’ne: Ang pogi nyo po sa suot nyong yan. Kamukha nyo po si Dao Ming Si. Kaya lang po sana palitan nyo po ng mas mahaba ang peluka nyo para maging kamukha nyo lalo siya.

Ka Bulaanan: Ganun ba? Hayaan mo bibili ako pagkatapos ng programa. Sige, tama na muna yan. Naka-connect na ba sa ating linya si SEr Anio?

Ka Ramel: Naka-connect na po si Sir.

Ka Bulaanan: Ladies and Gentlemen, ipinakikilala ko sa inyo ngayon ang pangunahing host ng ADC. The only trillionaire preacher in our time… SEr Anio Matalo!

SEr Anio : Konnichiwa Bulaanan san. Magandang umaga po sa inyong lahat!

Ka Bulaanan: Hapones yun ah! Mukhang marami na kayong alam na salitang Hapon Sir ah

SEr Anio : Kailangan eh. Ito kasi ang gusto ng Hapon. Binabati ko nga pala ang mga kapatid natin sa Japan. Ano bang portion natin ngayon? Nasan na ba yung script ko? Heto pala!

Ka Bulaanan: Ang first part po ng ating program ay Itanong Mo Kay SEr Anio at Magandang Balita Biblia. World History, Dictionary, etc. Ang Sasagot! Kunin na natin po sa ating linya si Ginoong Bert Carinoso, isang ex-born again sa QC. Hello po.

Bert Carinoso: Itatanong ko lang po sana kung ano po ba ang ipinambati sa Roma 16:16.

SEr Anio : Basahin po natin ang nakasulat sa Roma 16:16 sa Biblia ni Cain. Pakibasa Ka Ramel.

Ka Ramel: Mangagbatian kayo ng INC. Binabati kayo ng lahat ng Iglesia ni Cain.

SEr Anio : Ang pangalang INC ang pangalang opisyal sapagkat ito ang ipinagutos na ipambati sa lahat.

Bert Carinoso: Bakit po sa Biblia ko ay banal na halik ang pinambati?

SEr Anio : Ganito yan ang banal na halik ay pangngalan kaya di maling sabihin na ang ipinambati sa Roma 16:16 ay ang pangalang INC. Pakibasa Ka Ramel ang Dictionary ni Mirriam Webters Santiago.

Ka Ramel: holy kiss – part of speech: noun ….

SEr Anio : Sa Tagalog po ang noun ay panggalan kaya po pangalan talagang pambati ang banal na halik.

Published in:  on July 24, 2007 at 3:03 am Comments (4)

About my Avatar



1. Star of David

Since ang username ko na Yirmeyahu/Yirmeyah ay Hebrew/Jewish naisip kong ang avatar ko ay dapat identified sa Israel, ang unang bayan ng Dios kung saan mula ang Cristo ayon sa laman (Roma 9:4)

With the establishment of the State of Israel in 1948 the Star of David on the Flag of Israel has also become a symbol of Israel. [1]
Biblically, ang Star of David ay sumisimbolo kay Cristo

Revelation 22:16, KJV
I Jesus have sent mine angel to testify unto you these things in the churches. I am the root and the offspring of David, and the bright and morning star.
Sabi nila Satanic daw ang symbol na ito.  Kaya daw satanic dahil sa 6 corner nito na yung number 6 ay identified sa demonyo (666). Naaalala ko minsan may pumuna sa star na nakalagay sa may park ng ADD Convention Center at pati yata sa star na nakalagay sa kisame ng chapel dahil Satanic daw ang symbol na yun. Sabi ni Bro. Eli di naman totoo yun dahil ang star ay sumisimbolo kay Cristo (Rev 22:16, 2Ped 2:19)

Heto naman ang sabi ng Wikipedia tungkol sa kahulugan ng symbol na yan:

According to some Judaic sources, the Star/Shield of David signifies the number seven: that is, the six points plus the center. The earliest extant Jewish text to mention it is the Eshkol Ha-Kofer by a Karaite named Judah Hadassi, from the 12th century CE:

Seven names of angels precede the mezuzah: Michael, Gabriel, etc. … Tetragrammaton protect you! And likewise the sign, called the ‘Shield of David’, is placed beside the name of each angel.[1]
2. Hebrew Character

Yung nasa gitna ng star of David yan yung Yirmeyahu pag sinulat sa Hebrew character na puro consonants lang. HYMRY basa dyan at kung babasahin sa paraan natin ganito yan: YRMYH

References:
1. http://en.wikipedia.org/wiki/Star_of_David

Published in:  on July 23, 2007 at 9:03 am Leave a Comment

What is Yirmeyah?

YIRMEYAHU/YIRMEYAH is from the Hebrew, meaning GOD WILL RAISE UP, GOD WILL UPLIFT, GOD WILL LOSSEN [THE BONDS]. It is the transliterated Hebrew name of Jeremiah
Gender: Male
Transliterated Word: hymry
Pronunciation: yir-meh-yaw’ (listen)

References:
1. http://www.babynamesworld.com/meaning_of_Jeremiah.html
2. http://www.circumcision.net/Heb_Names_YZ.htm
3. http://bible.crosswalk.com/Lexicons/Hebrew/heb.cgi?number=03414&version=kjv

Published in:  on at 8:41 am Leave a Comment